Ipinasa ng Municipal Development Council o MDC ng Mangaldan ang isang resolusyon kung saan nagpapadagdag ito ng mga ambulance at rescue vehicles lara sa pagpapalakas pa ng kanilang paghahanda sa sakuna at maging kakayahan sa pagtugon at paghatid ng pangunahing serbisyo sa kanilang nasasakupan.
Pinangunahan ng alkalde ng bayan na siyang tumatayo rin bilang chairperson ng MDC ang ukol sa pagpasa ng isang resolusyon na nagpapahintulot sa paggamit ng surplus mula sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Fund para sa pagbili ng nasabing emergency response.
Ang mga karagdagang sasakyan na ito ay para sa pagtugon sa tuwing may emergency at malaking hakbang rin ito tungo sa pagpapatibay ng pagtugon sa kalamidad na maaaring maranasan ng LGU Mangaldan.
Bilang suporta sa nasabing hakbang, nagkaisang inendorso ng mga miyembro ng MDC ang resolusyon mung saan nakatakda itong sumailalim sa karagdagang pang deliberasyon at pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan at ng Sangguniang Panlalawigan. |ifmnews
Facebook Comments