Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas ng dagdag na anim na ruta para sa mga city bus ngayong linggo.
Sa advisory ng LTFRB, simula bukas, June 16, 2020, magiging operational na ang:
– Route 14 (Ayala-Alabang)
– Route 15 (Ayala-Biñan) at;
– Route 27 (PITX hanggang Trece Martires)
Sa darating na June 18 naman, bubuksan ang:
– Route 23 (PITX-Sucat)
– Route 26 (PITX-Naic)
– Route 30 (PITX-Cavite City)
Sa kabuuan, may 20 na ruta na ang nagagamit ngayon kabilang ang bahagi ng Route E sa EDSA Carousel na nag-o-augment sa operasyon ng MRT Line 3.
Ang unti-unting pagbubukas ng mga ruta ay base sa gradual, calibrated at in-phases approach na pinapairal ng pamahalaan sa pagbabalik-serbisyo ng pampublikong transportasyon.
Unti-unti ang isinasagawang adjustment ng pamahalaan upang matulungan ang mga commuter.
Pero, tinitiyak pa rin ang pagpapairal ng pamamaraang upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga pasahero.