KARAGDAGANG ANIMAL BITE CENTER SA ILOCOS SUR, PINASINAYAAN

Isinagawa ang inagurasyon sa pangunguna ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region para sa bagong tayong Animal Bite Treatment Center (ABTC) na matatagpuan sa Cabugao, Ilocos Sur.

Sa pagbubukas ng naturang pasilidad, binigyang-diin ni DOH Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang kahalagahan nito upang patuloy na maiwasan ang kaso ng rabies sa rehiyon.

Sa tala ng ahensya, mayroong apat na naitalang kaso ng sakit sa rehiyon mula nitong Enero 1 hanggang March 8, 2025.

Mapapakinabangan ang ABTC ng mga residente sa Cabugao maging sa mga kalapit-bayan nito sakaling makaranas ng pagkaka-kagat ng aso o pusa.

Samantala, sa buong Region 1, mayroong pitumpu’t-walo (78) na accredited ABTCs kung saan mayroong 43 sa Pangasinan, 18 ang Ilocos Sur, habang may 10 sa La Union at 6 naman sa Ilocos Norte.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments