Karagdagang AstraZeneca vaccines, nakatakdang dumating sa bansa ngayong umaga

Nakaantabay na ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagdating ng karagdagang AstraZeneca vaccines mamaya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sa abiso ng MIAA, mamayang alas-9:35 ng umaga ay lalapag sa NAIA terminal 1 ang China Airlines flight CI 701 lulan ang 1.1 million doses ng AstraZeneca vaccines.

Ang naturang doses ng bakuna ay binili ng pribadong sector.


Nakatakda ring dumating mamayang alas-4:16 ang 1.6 million doses ng Johnson & Johnson vaccines sa NAIA Terminal 3.

Ito ay donasyon ng US government sa pamamagitan ng COVAX Facility

Facebook Comments