Nagpadala pa ang pamahalaan ng karagdagang government assets sa West Philippine Sea para paigtingin ang sovereignty patrols.
Ayon kay National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) Spokesperson Omar Romero, magpapadala ng apat na Philippine Coast Guard (PCG) vessels, isang PCG aircraft, limang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessels para sa maritime patrols.
Magpapadala naman ang Philippine National Police – Maritime Group (PNP-MG) ng high-speed tactical watercraft at rubber boats para sa maritime law enforcement sa coastal areas.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ay palalakasin ang pagpapatrolya sa WPS at paiigtingin ang operasyon laban sa illegal, unreported, unregulated fishing (IUUF).
Ang NTF-WPS ay nagtatag ng dalawang area forces para protektahan ang mga bahura ng Pilipinas: ito ay ang Area Task Force West (ATF-West) at Area Task Force North (ATF-North).
Ang ATF-West ay pangungunahan ng Western Mindanao Command (WestCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para bantayan ang siyam na isla sa Kalayaan, Palawan.
Ang ATF-North ay pangungunahan ng Northern Luzon Command (NoLCom), sakop ang Bajo de Masinloc, mga isla sa Cagayan, Batanes, at ang Philippine Rise at ang Extended Continental Shelf nito.