Nakikipag-usap na ang Department of Education (DepEd) sa iba pang ahensiya ng gobyerno para sa pagbibigay ng karagdagang bayad sa mga gurong sobra ang pagtatrabaho ng araw at school year.
Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture, sinabi ni Director 3 Jennifer Lopez ng DepEd Bureau of Human Resources and Organizational Development (BHROD), na pinag-uusapan na nila ito kasama ang Civil Service Commission (CSC).
Habang mayroon na aniyang planong inihahanda para sa service credit na matatanggap ng mga guro na alinsunod sa CSC Memorandum Circular No. 40 series of 1998 kung saan dapat umiikot lamang sa 205 school days ang pagtatrabaho.
Sa ngayon, paliwanag ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, umabot na sa P4.3 billion ang nagamit na pondo ng ahensiya kung saan ilan sa mga pinaggastusan ay ang; pagbili ng laptops, internet/mobile load. DepEd TV, self-learning module, DepEd radio at iba pang allowances.
Ang DepEd ang pinakamalaking share ang National Budget ng bansa kung saan aabot sa P600 billion ang inilaan dito.