Karagdagang bayad sa mga empleyadong may work-related injuries, isinusulong ng DOLE

Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Employees’ Compensation Commission (ECC) na dagdagan ang bayad ng mga empleyadong may work-related illness or injury.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi sapat ang P10,000 na ibinibigay ng ahensya sa mga injured o may sakit nilang empleyado.

Aniya, higit P90 bilyon ang pondo ng ECC kaya’t nararapat lang na i-upgrade ang ibinibigay nilang tulong dahil nananatili pa rin sa P10,000 ang kanilang kompensasyon sa loob ng 20 taon.


Facebook Comments