KARAGDAGANG BENEPISYO SA MGA BRGY. OFFICIALS, ISINUSULONG

CAUAYAN CITY – Patuloy na isinusulong ni Isabela 6th District Representative Cong. Faustino Dy V., ang pagkakaroon ng regular na sahod at dagdag na benepisyo ng mga barangay officials.

Ayon sa kongresista, layunin nito na mabigyan ng karampatang sahod at sapat na benepisyo ang mga taong nagsisilbi sa mamamayan at sa komunidad.

Kaya naman sa pamamagitan ng HB 1204 o Magna Carta para sa mga barangay officials, ay isinusulong ni Cong. Inno na maging regular na empleyado na ng gobyerno ang mga opisyal ng barangay.


Maliban pa dito, kasama rin sa ninanais nito na makatanggap na rin ang mga magiging kwalipikado ng fixed salaries, insurance, at maging retirement benefits.

Facebook Comments