KARAGDAGANG BINHI NG PALAY PARA SA DRY SEASON, IPINAMAHAGI SA HIGIT 600 MAGSASAKA SA SAN NICOLAS

Naibahagi pa ang karagdagang binhi ng hybrid rice sa higit anim na raang magsasaka sa San Nicolas.

Nasa kabuuang 3, 703 packs ng hybrid rice seeds ang naibahagi sa mga magsasaka para sa paparating na dry season.

Natanggap ito ng kabuuang 687 kuwalipikadong magsasaka sa nasabing bayan.

Bukod dito, patuloy pa ang magiging suporta sa sektor ng agrikultura tulad ng pakikipag-ugnayan pa ng LGU sa kinauukulan para matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka tulad ng mga kagamitan at makinarya.

Binigyang diin rin ang pagpapalakas pa ng mga programa at proyekto sa nasabing sektor na siyang kasama sa nalalapit na paghahanda para sa 2026 budget. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments