KARAGDAGANG CAMPUS NG PANGASINAN POLYTECHNIC COLLEGE, KASADO NA

Isinailalim na sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan sa unang pagbasa ang ordinansang pagpapatayo ng karagdagang mga campus ng Pangasinan Polytechnic College (PPC).

Sa proposed ordinance, target itong maipatayo sa dalawang bayan at isang lungsod sa lalawigan, at tatawaging Pangasinan Polytechnic College – Umingan Campus, Pangasinan Polytechnic College – Bugallon Campus, at Pangasinan Polytechnic College – San Carlos Campus.

Sa ngayon, patuloy na nabebenipisyuhan ng libreng pag-aaral ang mga estudyante sa institusyon, habang inaasahan na sa pag-apruba ng mga ordinansa ay mas dadami pang mga Pangasinense ang makikinabang dito.

Nagpahayag naman ng suporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpaprayoridad sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng inilulunsad na mga programa kaugnay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments