Magiging malaking tulong rin umano sa mga residente sa island barangay ang limang karagdagang community tsunami alerting stations sa lungsod ng Dagupan.
Ayon sa ilang residente ng Barangay Calmay, makatutulong sa kanila ang community tsunami alerting stations upang maging alerto at mabigyan ng agarang signal sa oras na maranasan ang ‘The Big One’ o malakas na paglindol na posibleng magdulot ng tsunami.
Anila, bagamat marunong lumangoy ang karamihan sa mga nasa island barangay ay mainam pa rin na may mga pasilidad at kagamitan na makatutulong para maging alerto at sa agarang abiso at paglikas ng mga residente.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nasa labing dalawang barangay sa lungsod ang itinuturing na maaaring mapinsala o vulnerable sa oras na magkaroon ng tsunami. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









