Cauayan City, Isabela- Dumating na ngayong araw, Oktubre 27, 2021 sa Lalawigan ng Isabela ang mga karagdagang bakuna kontra COVID-19.
Ang mga dumating na bakuna ay kinabibilangan ng 126,360 doses ng Pfizer; 35,000 doses ng Gamaleya Sputnik V (Component I); 70,000 doses ng Gamaleya Sputnik V (Component II); 25,600 doses ng Sinovac at 5,000 doses ng AstraZeneca.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang pagbabakuna sa lalawigan at patuloy rin ang pagbibigay ng COVID-19 vaccines ng mga itinalagang vaccinators ng RESBAKUNA on WHEELS sa iba’t-ibang mga bayan sa probinsya.
Ito’y upang mapabilis ang vaccine rollout sa Isabela at makamit na rin ang herd immunity ng Lalawigan.
Facebook Comments