Nagdagdag ang pamunuan ng Region 1 Medical Center ng labing-limang higaan sa isolation ward para makapagpatuloy sa pagtanggap ng mga pasyenteng dinadala sa ospital matapos tamaan ng COVID-19.
Inilagay ito sa air-conditioned tent na pinahiram naman ng United Nations International Children’s Emergency Fund o UNICEF na kung saan itinayo ito sa Binloc Annex ng R1MC.
Una namang idinagdag ang dalawang medical tents na ipinahiram ng Philippine Red Cross na layuning makadagdag ng kapasidad para sa mga COVID19 patients na mula sa lungsod ng Dagupan o sa iba’t ibang bayan at siyudad ng Pangasinan.
Bawat isa sa mga medical tents na ito ay may labing dalawang higaan na nakalaan para sa mga COVID19 patient na itinayo din sa Binloc Annex.
Facebook Comments