Patuloy na nangangalap ng datos ang Department of Health (DOH) para sa karagdagang ebidensya sa paggamit ng COVID-19 vaccine booster shots.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pa silang nakakalap na kumpletong ebidensiya o siyensya na maggagarantiya na mas mabibigyang proteksyon nito ang isang indibidwal.
Aniya, ang mga babalangkasing polisiya ng DOH ay nararapat na bumase sa siyensiya.
Sa ngayon, nakadepende ang DOH sa World Health Organization (WHO) kung saan hindi pa inirerekomenda ang pagbibigay ng booster shots.
Facebook Comments