Karagdagang Firetrucks inaasahan ngayong 2018 sa ARMM- RD Teleron

121

Positibo ang bagong talagang Bureau of Fire Protection ARMM Director FSSUPT Shirley Sausal Teleron na maibibigay na ngayong 2018 ang karagdagang 33 firetrucks para sa buong rehiyon.

Magiging malaking tulong aniya ito di lamang para sa mga taga BFP ARMM kundi sa buong rehiyon sa naging panayam kay Director Teleron ng RMN COTABATO , DXMY ngayong hapon.

Kasalukuyang nasa 34 lamang ang firetrucks na nasa ibat ibang bayan ng limang lalawigan at sinasabing pinaglumaan na rin ng panahon.

Samantala sa kabila nito makakaasa pa rin aniya ang publiko na sisikapin ng buong hanay ng BFP ARMM na magsisilbi ng 24/7.

Si RD Teleron ay tubong Parang Maguindanao at kauna unahang Lady Director sa BFP ARMM. Nagsimula itong manungkulan sa BFP ARMM noong November 2017.

Facebook Comments