Karagdagang health workforce at equipment, kailangan sa Mindanao – OCTA Research

Hinimok ng OCTA Research Group ang pamahalaan na magpadala ang mga health worker at kagamitan sa Mindanao.

Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, karamihan ng naitatalang mga kaso sa bansa ay mula sa Davao City, South Cotabato, General Santos City, Cotabato City at sa Western Visayas.

Aniya, nakitaan na rin nila ng pagtaas sa hospital utilization rate ang Mindanao.


“We could say na iyong increase dito, this is very concerning sa areas na ito. In some LGUs in Mindanao, mataas na iyong hospital utilization rate nila, hospital occupancy and ICU occupancy, so this is concerning. Sa Davao City hindi pa naman puno iyong hospitals but the increase in cases is concerning because kailangan nang mapabagal iyong pagtaas ng kaso otherwise we might see some hospitals starting to become full, even sa Davao City,” sabi ni David.

Aminado naman si OCTA Research Fellow Prof. Ranjit Rye na maaaring mapuno na ang mga hospital sa Mindanao kung walang makikitang pagbabago sa trend ng mga naitatlang kaso ng COVID-19 doon.

Facebook Comments