KARAGDAGANG IMPRASTRAKTURA AT TULONG SA PUGARO, DAGUPAN CITY, PANAWAGAN NG ILANG RESIDENTE MATAPOS ANG BAGYONG UWAN

Panawagan ng ilang residente sa Barangay Pugaro, Dagupan City ang karagdagan pa umanong tulong tulad ng mga proyektong nagsisilbing proteksyon ng mga residenteng nakatira sa coastal areas.

Anila, mainam na magkaroon pa umano ng maraming proyektong imprastraktura tulad ng isinasagawang seawall at iba pang planong pangkaligtasan dahil sa nararanasang climate change na posibleng nagpapalala sa epekto ng mga kalamidad.

Nagbigay katiyakan naman ang barangay council na ipinaparating nila ang mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan sa Pamahalaang Panglungsod.

Matatandaan na isa ang Barangay Pugaro sa mga islands barangays na naapektuhan ng hagupit ng Bagyong Uwan, na ayon sa ilang residente, naging panangga pa umano ang itinatayong seawall upang mabawasan ang pinsalang dulot ng bagyo.

Nagpasalamat naman ang mga evacuees matapos makatanggap ng family food packs mula sa DSWD. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments