Karagdagang isang buwang bakasyon, hiniling ni DILG Sec. Eduardo Año

149

Hindi pa makakabalik sa trabaho si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ito ang inihayag ni DILG Undersecretary Bernardo Florece na siyang Officer-in-Charge (OIC) ng DILG.


Aniya, humiling si Año na palawigin ang kanyang leave ng hanggang katapusan ng buwan.

Sinabi ni Florece na nasa maayos nang kalagayan ang kalihim at nakalabas na ng ospital at nagpapagaling na lamang sa kanilang bahay.

Aniya, mismong silang mga taga-DILG ay mas gusto na huwag munang pumasok si Secretary Año para siya ay makapagpagaling.

Matatandaang January 11, 2021 nang ihayag ng DILG ang pagbabakasyon ni Secretary Año para gumaling nang maigi sa naging epekto sa kaniya nang maging infected ng COVID-19.



Dalawang beses tinamaan ng COVID-19 si Año noong nakaraang taon.


Una ay noong March, 2020 at nasundan ito noong August, 2020.

Facebook Comments