Pararamihin pa ang mga isolation at quarantine facilities sa bansa sa harap na rin ng banta ng bagong UK variant ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, bahagi pa rin ito ng paghahanda ng pamahalaan sakaling dumami ang kaso ng bagong UK variant sa bansa.
Mas madali kasing makahawa ang bagong UK variant kumpara sa orihinal na COVID-19.
Ayon kay Roque, posibleng hingin muli ang kooperasyon ng DepEd para i-convert sa isolation at quarantine facilities ang ilang eskwelahan, lalo na’t wala pa namang face-to-face classes hanggang ngayon.
Kailangan din aniyang damihan pa ang mga 2-star at 3-star hotels na gagawing quarantine facilities.
Sinabi ng kalihim na marami pa kasing mga Pilipinong inaasahang darating sa bansa sa taong kasalukuyan lalo na ang mga nawalan ng trabaho sa abroad.