Karagdagang kahon-kahon na dokumento kaugnay ng flood control mess, isinumite ng PNP sa ICI

Nagsumite ang Philippine National Police (PNP) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng 15 kahon ng mga dokumento kaugnay ng tinaguriang flood control mess.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, kabilang sa mga laman nito ang bid documents.

Ito na ang ikaapat na batch ng mga posibleng ebidensyang in-turned over ng pulisya mula sa kanilang field validation.

Kabilang sa mga dokumentong isinampa ang mga papeles mula sa Alpha & Omega General Contractor, St. Gerrard Construction, St. Matthew General Contractor, at Silverwolves Construction Corporation.

Samantala, kinumpirma naman ni Commissioner Babes Singson na noong Nov. 14 pa siya nagsumite ng irrevocable resignation kay PBBM. Nang tanungin kung may mairerekomendang kapalit, sinabi ni Singson na wala siyang karapatan o awtoridad.

Epektibo ang kaniyang pagbibitiw sa Dec. 15; Lunes naman ang huling araw ng pagsasagawa ng hearing ng Independent Commission ngayong 2025.

Facebook Comments