CAUAYAN CITY – Nakatakdang magdagdag ng mga law enforcers ang Land Transportation Office (LTO) ngayong araw, ika-23 ng Disyembre hanggang ika-5 ng Enero sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ito ay upang mabawasan at maging maganda ang daloy ng trapiko sa sa lalawigan lalo na sa bayan ng Diadi ngayong holiday season.
Kung matatandaan, sa unang pagpupulong ay nag-isyu si Governor Atty. Jose Gambito ng direktiba tungkol sa pagbibigay ng citation tickets sa mga lalabag ng batas trapiko.
Nakapaloob din sa direktiba na kung sino man ang hindi susunod sa mga traffic signs ay magmumulta ng p1,000, habang ang mga hindi naman tatalima sa mga traffic law enforcers ay magbabayad ng P2,000.
Dagdag pa nito, nag-anunsyo na rin ang DPWH ng suspensyon ng mga road construction project na nagsimula sa ika-20 ng Disyembre hanggang ika-5 ng Enero taong 2025.
Ito ay upang masiguro na ang Maharlika Highway mula Sta. Fe hanggang Diadi ay madadaanan pa rin bilang two-lane road.