Nagdagdag ng lifeguards sa baybayin ng San Juan, La Union ang lokal na pamahalaan sa inaasahang dagsa ng bisita ngayong long weekend.
Tututukan ng mga lifeguards ang monitoring sa baybayin para sa agarang pagresponde sa emergency at pangangailangang medikal ng mga turista.
Inaasahan na aabot sa higit 5,000 ang tourist arrival ngayong long weekend.
Samantala, pinaigting din ang seguridad sa lahat ng bayan sa La Union upang muling makabangon ang turismo mula sa matinding epekto ng Bagyong Emong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








