Karagdagang mahigit 1 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, dumating na sa bansa

Dumating na sa Pilipinas ang mahigit 1 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Pasado alas-8:00 kagabi nang dumating ang 862,290 doses ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Hong Kong flight LD456.

Habang sumunod naman ang 76,050 doses ng vaccines na dumating sa Cebu dakong alas-6:00 din kagabi sakay ng Hong Kong flight LD457.


Sa ngayon, umabot na sa 78.42 million doses ng bakuna ang dumating sa bansa kung saan mahigit kalahati nito ay Sinovac mula sa China.

Inaasahan namang ngayong linggo ang pagdating pa ng karagdagang 1,003,860 doses ng Pfizer vaccines.

Facebook Comments