Karagdagang mahigit 100 distressed OFWs mula Saudi Arabia, dumating sa bansa

Manila, Philippines – Matapos ang pagdating kahapon ng mahigit isang daang distressed Overseas Filipino Workers mula Saudi Arabia, panibagong batch ng undocumented OFWs ang dumating ngayong araw sa bansa.

117 na undocumented OFWs ang dumating kanina sa NAIA sakay ng Philippine Airlines flight PR 663.

Sa ngayon, anim na libo na ang kabuuang bilang ng mga pinauwing distressed OFWs mula Saudi Arabia.


Nasa siyam na libo pa ang undocumented Pinoy workers sa Saudi Arabia na naghihintay ng kanilang repatriation sa ilalim ng amnesty program ng Saudi Government.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments