Karagdagang manpower, kailangan ng DOH para sa COVID-19 reponse – Duterte Bayanihan Report

Patuloy ang Department of Health (DOH) sa pagtanggap ng karagdagang Human Resources for Health (HRH) kasabay ng pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Sa Bayanihan 2 report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, nagawa ng DOH na makapag-hire ng 8,980 individuals para sa 11,705 approved slots para sa emergency hiring sa mga priority health facilities.

Nasa 10,673 nurses at 4,276 na iba pang health workers ang kasalukuyang rumeresponde sa COVID-19.


Ang DOH ay nagpasa na sa Department of Budget and Management (DBM) ng cost estimates sakop ang full requirement ng COVID-19 special risk allowance (SRA) at Actual Hazard Duty Pay (AHDP) para sa pampubliko at private health workers.

Ang DBM ay nagsumite na sa Office of the President ng proposed administrative orders para sa pagbibigay ng rates at guidelines para sa pagbibigay ng mga benepisyo.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay patuloy na magbabantay sa pagsunod ng Local Government Units (LGU) sa direktibang magbigay ng proteksyon sa medical frotnliners, kabilang ang pagbibigay ng temporary shelter at paglalabas ng kaukulang ordinansa laban sa anumang diskriminasyon.

Facebook Comments