Ipinag-utos ngayon ng Gobernador ng Pangasinan ang karagdagang meal allowance ng mga kabilang sa Persons Deprived of Liberty sa Pangasinan Provincial Jail.
Mula sa kasalukuyang P100 na arawang meal allowance ng nasa 248 na PDL sa lalawigan, ngayon itinaas na ito sa nito sa 120.00 kada araw simula nitong buwan Hulyo ngayong taon.
Ayon kay PPJ Chief Lovell Dalisay na titiyakin nito ang mas mabuting pangangalaga at paggamot para sa mga preso na kasalukuyang nasa loob ng pasilidad.
Matatandaang na noong 2022, iniutos ni Gov. Guico III ang pagtaas ng daily subsistence allowance ng mga preso mula P70.00 hanggang P100.00.
Ipinagmalaki naman ng opisyal na pinakamataas ang arawang meal allowance ng mga preso sa probinsya kumpara sa Bureau of Corrections / New Bilibid Prison (BUCOR/NBP), La Union Provincial Jail (PJ) gayundin sa provincial jail ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Bulacan, Albay, Negros Oriental, Benguet at Aurora.
Samantala, ilan naman sa mga aktibidad ng PPJ ay ang pakikipag-ugnayan ng PPJ sa PHO ukol sa Quarterly Medical/Dental Mission para sa PDL, na ang una ay noong Hunyo 9 at ang susunod ay nakatakda sa Setyembre 22.
Nakatakda namang magsagawa ng Alternative Learning System (ALS) para sa 21 elementarya at 38 high school undergraduate na PDL, Community-Based Skills Training Project (Basic Electrical Troubleshooting at Basic Carpentry Repair minsan sa Oktubre. | ifmnews
Facebook Comments