Karagdagang medical personnel, hindi na kailangan sa ilang ospital sa Metro Manila

Tumanggi na ng tulong ang ilang ospital sa Metro Manila para sa karagdagang medical personnel.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chairman Delfin Lorenzana, kabilang dito ang St. Luke’s Hospital at San Juan de Dios Hospital na hindi na nangangailangan ng tulong dahil bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa kabila nito, hindi naman ini-alis ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City ang hininging tulong na walong medical personnel.


Ani ni Lorenzana, kailangan pa ito hanggang October 30 maliban pa sa isang doktor at dalawang nurses na idinagdag sa hirit.

Sa ngayon, inatasan na ni Lorenzana ang Surgeon General ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para bigyang-katuparan ang nais ng SPMC.

Facebook Comments