Karagdagang medical workers, pinapayagan nang makapag-abroad; sahod ng mga nurse at doktor sa pribadong sector, pinatataasan sa DOH

Pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ng mas maraming healthcare professionals sa ibang bansa.

Ito ay batay na rin sa board resolution ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na isinumite sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari nang makaalis ng bansa ang mga health workers na nakakumpleto ng kanilang dokumento o kontrata hanggang Agosto 31.


Sa hanay pa lamang ng nurses ay aabot sa 1,500 ang maaaring muling makabalik ng kanilang trabaho sa ibang bansa.

Matatandaang umapela ang grupo ng medical workers sa Pangulo na alisin na ang temporary ban dahil sa COVID-19 pandemic.

Samantala, pinatataasan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa Department of Health (DOH) ang sahod ng mga nurse at doktor sa pribadong sektor.

Giit ni Bello, ang malaking pagkakaiba sa sahod ng healthcare workers sa public at private sectors ang isa sa mga nakikita nilang dahilan kaya’t maraming nurse at doktor ang mas ginugustong ipagpatuloy ang kaniyang propesyon sa ibang bansa.

May pagkakataon din aniyang kailangan pang magbayad ng training fee ng mga nurse sa mga pribadong ospital kapalit ng dalawang taong experience na kailangan para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments