Karagdagang mga kaso ng COVID variants, na-detect ng DOH, UP-PGC at UP-NIH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) ang 289 na bagong kaso ng UK variant o B.1.1.7 gayundin ang 380 bagong kaso ng South African variant o B.1.351, at ang 9 na bagong kaso ng P.3 variant.

Ito ay mula sa 744 samples na isinailalim sa genome sequencing.

Sa 289 na bagong kaso ng UK variant, 48 cases dito ay Returning Overseas Filipinos (ROFs), habang 185 ang local cases, at 56 ang inaalam pa kung local or ROF cases.


3 cases na ito ay nananatiling active habang dalawa ang namatay at 284 ang naka-recover na.

Sa 380 na bagong kaso naman ng South African variant, 107 cases dito ay ROFs, habang 196 ang local cases, at ang 77 cases ay inaalam pa kung local o ROF cases.

Sa nasabing mga kaso, isa na lamang ang active habang ang 379 ay naka-recover na.

Sa 9 naman na bagong kaso ng P.3 variant, 3 ang ROFs, 4 ang local cases, at ang 2 cases ay inaalam pa kung local o ROF cases.

Ang naturang 9 na kaso ay pawang gumaling na lahat.

Nanindigan naman ang DOH, UP-PGC, at UP-NIH na ang P.3 variant ay hindi pa natutukoy na Variant of Concern (VOC) dahil kulang pa ang katibayan na susuporta rito.

Facebook Comments