Asahan na ang mas maraming quarantine facilities para mabawasan ang covid-19 patients sa mga ospital.
Ayon kay National Task Force (NTF) COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ipinatutupad na rin ang mas maayos na referral system ng mga ospital para sa quarantine facilities.
Sa ngayon mayroong 68 quarantine facilities ang Department of Public Works and Highways (DPWH), habang may 168 evecuation centers ang Department of Health (DOH).
Samantala, bukas naman ang ilang alkalde sa Metro Manila sakaling ibalik sa mas mahigpit na quarantine restriction kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19 pero nakadepende pa rin ito sa desisyon ng Inter-Agency Task Force.
Facebook Comments