Karagdagang mga tauhan na kukunin ng ICI, magmumula sa iba’t ibang sektor

Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na magmumula sa iba’t ibang sektor ang karagdagang mga tauhan na kukunin nila sa Komisyon.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, ang naturang mga tauhan ay pawang contractual base sa staffing pattern na inaprubahan ng Budget Department.

Una nang inaprubahan ng Budget Department ang pagpapalabas ng ₱41.4-million para sa operasyon ng ICI hanggang sa katapusan ng taong 2025.

Bunga nito, ang ICI ay bubuuin ng 172 tauhan.

Facebook Comments