KARAGDAGANG MODULAR SMART HOUSES NA GAGAWING ISOLATION PARA SA ASYMPTOMATIC AT MILD CASES NG COVID-19, BALAK BILHIN NG LGU SAN CARLOS

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Nakatakda namang bumili ang lokal na pamahalaan ng San Carlos ng karagdagang modular smart houses upang gawin naman bilang isolation facilities sa gitna parin ng nararanasang pagtaas ng kaso ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19.

Sinabi ni City Information Officer Jhuliano Nazareno na abot sa labing dalawa ang nakatakda nilang bilhin na karagdagan naman sa naunang anim na smart houses na binili ng LGU noong nakaraang taon.

Ang mga modular smart houses ay para sa mga indibidwal na asymptomatic at mild COVID-19 patient.


Ang mga modular smart houses ay kayang manatili sa gitna ng malakas na ulan at hangin maging sa mga bagyo.

Samantala, patuloy na naitatala sa lungsod ang mataas na bilang ng tinatamaan ng COVID-19 na kung saan napansin ng pamahalaang lokal na madalas na tamaan ay mga Authorized Person Outside their Residence o APOR na nahahawaan naman nila ang kani-kanilang mga kaanak.

Ipinapatupad naman dito ang granular lockdown kung saan may mga naitalang nag popositibo at nagkakahawaan sa loob ng bahay bilang contingency plan para mapigilan naman ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments