Nangako si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng dagdag na ng mga dialysis center na pinapatakbo ng gobyerno sa mga lalawigan sakaling manalo sa 2022 elections.
Ayon kay Marcos, nais niyang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng access sa mga mahahalagang serbisyo tulad ng mga dialysis center.
Aniya, dapat tingnan ang kalagayan ng mga pasyenteng pupunta ng Maynila mula sa mga probinsya para lamang mag-avail ng dialysis services.
Imbes kasi sana ipambili na ng gamot at bitamina ay napupunta pa sa pamasahe o pangungupahan ang pera ng mga dialysis patient.
Giit ni Marcos, kung siya ay mahalal na pangulo, bubuo siya ng isang task force na makikipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang libreng dialysis treatment para sa mga pasyente.