Lumagda na ang Pilipinas at Japan ng karagdagang P116-billion loan package para pondohan ang pagtatayo ng kauna-unahang underground railway sa Pilipinas.
Ikalawang tranche na ito ng Official Development Assistance (ODA) loan para sa proyekto kung saan ang pormal na kasunduan ay nilagdaan noong November 13, 2017.
Ang 33-kilometer Metro Manila Subway Project ay binubuo ng 17 istasyon na layong mapaikli sa 35 minuto ang biyahe mula North Avenue, Quezon City patungong NAIA mula sa kasalukuyang isang oras at 10 minuto.
May kapasidad itong makapagsakay ng hanggang 1 milyong pasahero kada araw.
Facebook Comments