Karagdagang P451.31-M para sa SRA ng mga healthcare workers, inilabas ng DBM

83

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng karagdagang P451.31 million para sa Special Risk Allowance (SRA) ng mga healthcare workers.

Ayon sa DBM, ang ini-release na SRA ay para sa mga eligible public at private healthcare workers na direktang nag-alaga o may contact sa mga pasyenteng may COVID-19 mula December 20, 2020 hanggang June 30, 2021.

Sa nasabing halaga, P407.08 million ay mula sa contingent fund habang P44.23 million mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund sa ilalim ng FY 2021 General Appropriations Act.


Sa kabuuan, aabot na sa P8.23 billion ang nailabas ng DBM para sa SRA ng 499,116 na mga healthcare workers.

Facebook Comments