Cauayan City – Karagdagang negosyo na maaaring pagkakitaan ang itinuro ng mga miyembro ng kapulisan sa mga residente sa bayan ng Quirino, Isabela noong ika-10 ng Hulyo.
Ang aktibidad ay isinagawa bilang parte ng selebrasyon ng ika-29 na Police Community Relations Month sa ilalim ng Project PASADA, PNP Livelihood Program ng Quirino Police Station.
Layunin ng aktibidad na ito na tulungan ang mga miyembro ng 4P’s mula sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng Quirino na magkaroon ng ideya sa mga negosyong maaaring gawing pagkakitaan katulad na lamang ng paggawa ng Dishwashing Liquid.
Samantala, nagpakita ng suporta sa programa ang Municipal Mayor ng Quirino na si Hon. Edward Juan kasama ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development, MLGO, Liga ng mga Barangay Officials, at iba pang Stakeholders at Ahensya sa bayan ng Quirino.