Ginagawan na ng paraan ng lokal na gobyerno ng Manaoag ang pagtitiyak na may maayos na palikuran ang mga sakop na komunidad.
Sa pulong na isinagawa ng Rural Health Unit hinggil sa Zero Defecation Program sa bayan, tinukoy ang lugar kung saan malaki ng bilang populasyon ngunit iisa lamang o walang sariling palikuran.
Nagbigay katiyakan ang alkalde ng bayan ang maiaabot na tulong upang makapagpatayo ng mga palikuran sa mga natukoy na lugar.
Sa pamamagitan nito ay mas matitiyak ang ligtas at malinis na pamayanan para sa kalusugan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









