Karagdagang pangangailangan ng mga evacuee dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, patuloy na tinutugunan ng DSWD

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na nakatutok sila sa mga pangangailangan ng mga evacuees sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa DSWD, patuloy ang pagpapadala nila ng mga karagdagang family food packs sa mga lumikas na residente kasunod na pagputok ng naturang bulkan.

Batay sa talaan ng DSWD, nasa mahigit 100 pamilya o katumbas ng higit 300 indibidwal ang kasalukuyang namamalagi sa ilang mga evacuation center.


Dagdag pa ng DSWD, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mga karagdagang pangangailangan ng mga evacuees.

Facebook Comments