KARAGDAGANG PASILIDAD PARA SA MGA MAGSASAKA, TINIYAK NG DA

 

CAUAYAN CITY – Nangako si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel na pahuhusayin pa ang mga imprastraktura ng agrikultura para sa mga lokal na magsasaka.

Sa kanyang pagbisita sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT), inihayag ni Laurel ang mga planong magtatag ng isang komprehensibong pasilidad sa pagproseso ng bigas.

Ang nasabing pasilidad ay mayroong mechanical dryer, bodega, rice mill, at karagdagang trading post, na lahat ay naglalayong suportahan at pahusayin ang mga lokal na operasyon ng agrikultura.


Binigyang-diin din ni Laurel na ang mga bagong proyektong ito ay idinisenyo upang pataasin ang produksyon at hikayatin ang mga magsasaka na mag-ambag sa seguridad ng pagkain ng lalawigan.

Pinuri din ni Laurel ang mga opisyal ng NVAT sa kanilang mahusay na pamamahala at matagumpay na pagpapatupad ng mga nakaraang proyektong pinondohan ng DA.

Facebook Comments