Karagdagang permanent shelters, ipinasakamay ng DHSUD at mga partner sa Marawi City

Karagdagang 170 permanent shelters ang ipinasakamay ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa dalawang resettlement sites sa Marawi City.

Ayon kay TFBM chief at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Chairman Secretary Eduardo del Rosario, pinasakamay sa walong homeowners’ association ang 120 na two-bedroom housing units sa Darussalam Village.

Kumpleto na ito ng water supply at power facilities. Ang Darussalam Village ay matatagpuan sa Barangay Dulay Proper.


Nasa limampu o 50 pa na permanent shelters ang ipinasakamay sa Pamayandeg sa Ranaw Residences sa Dansalan (PRRD) Village sa Barangay Mipantao, Gadongan.

Pinasinayaan na rin ang Masjid Darussalam Mosque. Ito ang ikalawang mosque na itinayo sa ground zero o ang pinakamatinding napinsalang lugar sa bakbakan noon ng tropa ng gobyerno at ng Maute-ISIS terorrist group.

Facebook Comments