Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pagbiyahe ng dagdag na pitong City Public Utility Bus (City PUB) at walong shuttle service sa intra-regional routes sa bansa.
Layon nito na palawigin pa ang pagbubukas ng mga ruta ng pampublikong sasakyan upang makatulong sa pagbiyahe ng publiko.
Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy shuttle services na may valid contract of lease ang shuttle service provider at ang pribadong kompanya o government agency na kumukuha sa serbisyo ng shuttle service para sa transportasyon ng empleyado sa panahong lalagpas ng December 31, 2021.
Ang sasakyan na tukoy sa Contract of Lease ay dapat may marka o logo ng kompanyang umuupa sa naturang sasakyan.
Gagamitin lamang ang sasakyan na inupa ng kompanya bilang shuttle service para sa mga empleyado.