Karagdagang pitong election-related incident sa bansa, naitala ng Comelec

Nakapagtala ng panibagong pitong election-related incidents ang Commission on Elections (Comelec) ilang linggo bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30.

Ayon sa Comelec, ang pito na ito ay validated na at kumpirmadong may kinalaman sa nalalapit na halalan ang naganap na karahasan.

Kabilang dito ang:
– pagpatay ng kandidato sa pagka barangay captain sa Libon, Albay.
– indiscriminate firing sa Malabang, Lanao del Sur noong panahon ng filing ng Certificate of Candidacy.
– shooting incident sa Taal, Batangas na ikinamatay ng isang kapitan ng barangay.
– shooting incident sa Baleno, Masbate kung saan isang sibilyan ang nasawi, at kidnapping incident sa kaanak ng isang kandidato sa barangay sa Baloi, Lanao del Norte.


Gayunpaman, tiniyak naman ng Comelec na sa tulong ng pulisya at militar ay pinaigting nila ang pagbabantay para matiyak na magiging mapayapa ang gagawing BSKE.

Nasa higit 600,000 ang mga nakatatag na Comelec checkpoint kada araw na nagresulta sa pagkakaaresto ng 1,108 indibidwal mula nitong August 28 hanggang October 3.

Habang umabot na rin sa 693 baril ang nakumpiska sa panahon ng checkpoint.

Facebook Comments