KARAGDAGANG PNP VEHICLES SA PANGASINAN, IPINAMAHAGI SA SAMPUNG HIMPILAN

Pinaigting ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang operasyon matapos tumanggap ng sampung bagong PNP marked vehicles sa isinagawang blessing at ceremonial turnover kahapon, Disyembre 11, 2025.

Dumalo sa aktibidad ang provincial staff at ang mga hepe mula sa sampung estasyon na nakatanggap ng bagong sasakyan, kabilang ang Aguilar, Asingan, Binmaley, Infanta, Calasiao, Labrador, Manaoag, Rosales, Mangaldan, at San Nicolas.

Ayon sa kapulisan, magsisilbing malaking dagdag-lakas ang naturang mga sasakyan upang mapahusay ang mobility, crime prevention efforts, at police visibility sa iba’t ibang bayan.

Sa pamamagitan nito, inaasahan ng PPO na mas mapabilis ang pagtugon sa insidente at mas magiging epektibo ang pagpapatupad ng seguridad sa mga nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments