Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang pondo para sa pag-hire ng 15,000 contact traces na tutulong sa gobyerno upang mapabilis ang pagtugon sa COVID-19 pandemic hanggang sa katapusan ng 2021.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, gagamitin ang pondo para sa mga Local Government Units (LGUs) upang mapangasiwaan ng maayos ang kani-kanilang mga nasasakupan.
Lubos naman ang naging pasasalamat nito kay Pangulong Duterte para sa karagdagang pondo.
Sa ngayon, paliwanag ni Senator Christopher Bong Go na posibleng umabot ng P1.7 milyon ang kailangang pondo ng gobyerno sa pag-hire ng mga bagong contact tracers.
Nakatakdang mapaso ang kontrata ng mga contact tracers ngayong Agosto.
Facebook Comments