KARAGDAGANG PONDO PARA SA PAMPALAKASAN O SPORTS SEKTOR NG DAGUPAN, IMINUNGKAHI SA SP

Iminungkahi sa naganap na regular session kahapon ang pagpapalakas sa hanay ng pampalakasan o sports sektor ng Dagupan sa pamamagitan ng iminungkahing karagdagang pondo ilalaan para rito.
Ito ay mula sa unang inihain na mula sa nagkakahalaga ng P500,000 ay itinataas ngayon sa halagang anim na milyong piso laan para sa sports development upang mas maempower ang mga atleta ng lungsod ayon kay Councilor Mejia.
Bunsod din ito umano ng paglapit ng mga atleta na personal sa kanilang opisina at inihayag ang kanilang saloobin ukol sa financial assistance na kanilang kinailangan at kakailanganin sa mga susunod pang palarong magaganap.

Bagamat nasa 500,000 pesos na ang nailagay na alokasyon para rito ay ibabalik daw umano ito sa Local Development Council upang amyendahan ang pondong nais pataasin pa.
Layon nitong masuportahan ang mga nagwaging atletang Dagupeno mula sa itinanghal na Region 1 Athletics Association Meet or R1AA kamakailan lamang at pagsabak ng mga itong Palarong pambansa. Saklaw nito ang pakikipagtagisan ng mga atleta mula lahat ng Rehiyon sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments