KARAGDAGANG PONDO PARA SA SPORTS COMPLEX, IPINANGAKO NI GOV. MAMBA

CAUAYAN CITY – Nangako ng karagdagang pondo si Gov. Manuel Mamba para sa pagpapatayo ng Sports Complex sa bayan ng Allacapan at Camalaniugan sa lalawigan ng Cagayan.

Inihayag ni Gov. Mamba ang paghanga at papuri kina Mayor Isidro Cabaddu ng Camalaniugan at Allacapan Mayor Harry Florida dahil sa inisyatiba na maaaring gamiting venue ang nasabing Sports Complex para sa mga sports event at makakatulong din sa pag-unlad ng turismo sa kanilang mga bayan.

Una nang ibinigay ng Provincial Government of Cagayan ang P15-M budget para sa nasabing proyekto at nakatakdang buuin ng PCG ang P50-M tulong pinansyal para sa dalawang bayan.


Bukod dito, hiningi rin ni Gov. Mamba ang suporta para sa ginagawang football field na pagdarausan ng Private Schools Athletic Association (PRISAA) Meet.

Facebook Comments