KARAGDAGANG POSO ENFORCERS SA DAGUPAN CITY, ITINALAGA BILANG PAGHAHANDA SA DAGSA NG TAO AT SASAKYAN

Dinagdagan pa ang pwersa ng mga POSO enforcers sa lungsod ng Dagupan kasunod ng inaasahang dagsa ng mas maraming tao at sasakyan dahil sa pagdiriwang ng Holiday Season.

Kasabay na rin ito ng pagtutok sa magiging daloy ng trapiko ngayong nagpapatuloy ang konstruksyon ng mga road projects sa lungsod.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa tanggapan, mula sa apat ay ginawa na itong sampu lalo na sa mga bahagi ng kakalsadahang may isinasaayos.

Sa kasalukuyan, patuloy na umiiral ang one way traffic scheme sa bahagi ng Perez Blvd at mararanasan ang bahagyang bigat ng daloy ng trapiko.

Paalala naman ng POSO Dagupan sa mga matitigas ang ulo, tumalima sa mga batas trapiko upang hindi magdulot ng karagdagang road congestion at maiwasang magmulta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments