KARAGDAGANG PRANGKISA PARA SA MGA KOLORUM NA NAMAMASADA, SUHESTIYON NG ILANG PANGASINENSE

Suhestiyon ng ilang Pangasinense na magkaroon ng pa umano sana ng dagdag pang bilang para sa maaaring mabigyan ng prangkisa upang mawala na ang mga kolorum na namamasada.

Ani ng ilang tricycle driver na mayroong prangkisa, naiintindihan naman umano nila ang kondisyon at pamumuhay ng ilan kaya naman nagagawang magkolorum na lamang.

Ngunit mas mainam umano kung ang mga ito ay makakasama bilang ng mabibigyan ng prangkisa.

Habang ang ilan, dagdag tulong at programa pa para sa mga mahihirap upang hindi sila napapasok sa mga iligal na gawain tulad ng pamamasada nang hindi rehistrado o walang prangkisa.

Sa ngayon, malinis na kinikita ng mga tricycle driver sa pamamasada nito buong araw ay nasa 200 pesos depende pa sa araw ang lakas ng kitaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments