Magpapatupad ang Cebu Pacific ng mga karagdagang procedure o pamamaraan upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.
Plano ng Cebu Pacific Air na magpatupad ng bagong sanitation protocols, habang puspusan ang paghahanda para sa pagpapatuloy ng commercial passenger operation, kasunod ng quarantine restriction sanhi ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Sa ilalim ng pinahusay na health protocol ng Cebu Pacific Air, lahat ng piloto at cabin crew ay kailangan sumailalim sa rapid antibody test bago sila payagang lumipad.
Sinabi ni Candice Iyog, VP for marketing ng Cebu Pacific, na lahat ng operating crew at ground staff ay kailangan magsuot ng personal protective equipment (PPE) habang nasa duty.
Magkakaroon din ng contactless flights upang mabawasan ang face-to-face contact sa pagitan ng ground staff at ng mga pasahero, gayundin ang pagpapairal ng physical distancing.
Lahat ng pasahero ay required na rin na magsuot ng facemask pagpasok pa lamang ng paliparan hanggang sa kanilang paglipad.