Karagdagang pulis, idineploy sa Abra dahil umano sa banta sa seguridad ng mga kandidatong umatras sa pagtakbo sa BSKE

Nagpadala ng 352 na karagdagang pulis sa Abra bilang bahagi ng seguridad para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ang nasabing augmentation force ay upang mapanatili ang peace and security sa lalawigan.

Una nang kinumpirma ng PNP na umaabot na sa mahigit 250 ang bilang ng mga kandidato sa BSKE sa Abra ang nag-withdraw o binawi ang kandidatura.


Ani Acorda, ang iba aniya ay nagkaroon ng kasunduan sa kanilang nakatatanda na mga kandidato para sila’y mag-withdraw habang ang iba naman ay dahil sa usapin ng gastos habang ang iba ay sa usapin ng banta sa seguridad.

Gayunman, sinabi ni Acorda na kanilang bineberipika ang ulat na may mga pagbabanta o isyu sa seguridad.

Sa ngayon, nasa 14 na barangays sa Abra ang nasa ilalim ng yellow category.

Facebook Comments